 |
SONA ni PGMA
“Ang solusyon sa lahat ng problema ay isa ring problema.” - Johann Wolfgang von Goethe
Inihayag ni Pangulong GMA noong Lunes, ika-27 ng Hulyo, 2009, 4:00PM Batasan Pambansa sa Batasan Hills, Lungsod ng Quezon na ang State of the Nation Address (Talumpati sa Kalagayan ng Bansa) o SONA ay nakasaad bilang tungkulin ng Pangulo sa Artikulo IV Seksyon 23 ng Konstitusyong 1987: “Ang Pangulo ay nararapat na mag-ulat sa Kongreso sa pagsisimula ng regular na pulong nito.”
Ito ay isang taunang kaganapan sa Republika ng Pilipinas. Ang Pangulo ay nag-uulat sa kalagayan ng bansa, karaniwan sa pagsisimula muli ng pinag-isang session ng Kongreso (ng mababang kapulungan at senado).
Ang nilalaman ng SONA ay impormasyon tungkol sa mga kamalian sa Republika at kung ano ang iniisip na gawin ng Pangulo tungkol dito (Artikulo VII, Seksyon 10 of the 1935 Constitution.)
Ayon kay Daniel Barga ng IV-Abad Santos, “Kahanga-hanga ang SONA ng Pangulo ngayon dahil naipakita niya ang lahat ng napatupad ng kanyang administrasyon mula sa pinansyal at pananalapi kasama na rin ang mga imprastraktura at programa para sa mahihirap.
Ayon naman kay Allan Mallari, IV-Dagohoy, “Akala ko ang kaniyang intensyon ay edukasyon para sa lahat. Sa nakikita ko, napakabagal ng pag-unlad ng edukasyon. Kahit na makapagtapos ang mga tao ay hindi naman sapat ang mga trabahong nakalaan para sa kanila.”
Ayon naman kay Romeo Umali, III-Antimony, “Sabi niya matagal na ang kanyang intensyon ay mabigyan ng halos isang milyong trabaho ang mga Pilipino kada taon, ngunit kakaunti lamang ang nabibigyan ng oportunidad.”
Ani Jodie Rosales naman, IV-Malvar: “Ang pag-unlad ng ating ekonomiya ay dahil sa mga ipinadadala ng OFW at hindi dahil sa kanyang mga proyekto.
“Sa ganang amin ang dahillan kung bakit ayaw ng ibang mga Pilipino sa ating pangulo ay dahil hindi nila alam ang mga proyekto ng pangulo, pero kumpara sa mga nakaraang pangulo, maituturing pa rin siyang matagumpay.”
Ayon naman kay Hazel Matundan ng IV-Felipe, “Ang ilan sa kanyang mga proyektong binanggit noong nakaraang taon ay natamo ngayong taon.
Isang freshman, si Kenneth Ponce ay nagsabing “Ang ating ekonomiya ay hinigitan ang pagsulong ng mga nakaraang pangulo kaso napakaraming tao ngayon sa Pilipinas”.
“Base sa aking mga obserbasyon, ang mga inilatag ng pangulo sa SONA ay ang mga magagandang imahe ng bansa sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Dapat sana’y natuunan pa ng pansin ang mga lisya ng pamahalaan para ito’y nalunasan,” pahayag ni Jessica Almondia ng IV-Hidalgo.
Alam naman ng lahat kung anu-ano ang mali sa bansa. Mahaba ang talaan. Bagsak ang ating ekonomiya, malaki ang kakulangan ng badyet, malakihang kawalan ng trabaho, rebolusyong komunista, suliraning Moro, malaking guwang ng mahirap at mayaman, mahinang kalidad ng edukasyon … at marami pa. Alam nating lahat ito. Ang di natin alam ay kung ano ang gagawin ni PGMA. Kaya nga nag-SONA ang pangulo. Maaaring maraming kabiguan. Ngunit di natin masasabing di nagsikap ang Pangulo.
Maghintay tayo.
|
HOME |
 |