Mga may hangad maging G/Bb. QCA ipinakilala noong Agosto 17

     Mga may hangad maging G./Bb. QCA ’09 ay nakilala na noong Agosto 17.

     Sila ay ang kinatawan ng kani-kanilang seksyon sa ikatlo at ikaapat na taon na kumuha ng pagsusulit noong Agosto 17. Ang nilalaman ng pagsusulit ay tungkol sa pamahalaang pangmag-aaral, misyon at bisyon ng QCA, mga tuntunin sa loob ng Kampus, ilang ulat kasaysayang pambansa at mga pangkasalukuyang balita sa buong mundo.

     Ayon kay Bb. Michelle Balgoma ,tagapayo ng kagawaran ng araling panlipunan, ibabatay ang mga puntos sa isusuot ng kandidato na night gown, damit pang-isports at iba pa, karagdagan din  ito sa ipapakitang talento ng kandidato tulad ng pagsayaw, pagkanta, pag-arte at iba pa, at ang pagsagot sa mga ibibigay na katanungan.

     Samantala ang panimulang patimpalak ay naganap noong Agosto 17 kung saan nagmodelo ang mga mag-aaral sa suot nilang pang akademikong uniporme at ang kaswal na kasuotan. Matapos ang ebalwasyon, 10 pares ang inianunsyong maglalaban para sa korona.  Noong Agosto 25 ay ipinakilala din ang mga kandidato at kandidata sa bulwagang palapagan kasabay ng Pista ng asignaturang Filipino.

     Ang mga kandidato sa Ikatlong taon ay sina Janssen Ramos at Arah Jamandra (Antimony), Khristian Ross Santos(Barium), Bianca Rafallo (Gold), Silverio Alano (Iron), Christine  VInzon (Lead), Nikki Garcia at Angela David(Mercury), Robbie Nollan at Marie Pedro(Nickel). Samantala sa ikaapat na taon ay sina John Paul Ursal at Camille Cabildo (Abad Santos) , Zion Velasquez at  Jhoana Bagaporo (Calderon), Jerico Ravelo at Nivian Perez (Dagohoy), Christian Escoto (Escoda), Mary Joy Villa Rosa (Felipe), Jessica Almondia (Hidalgo), Ricardo Ayala (Malvar).

     “Gagawin naming hindi ganoon kagastos ngunit kakaiba kaysa sa mga nagdaang taon ang programang ito na hindi malilimutan ng mga manonood at kalahok!”, sabi ni Jean Anne Marielle Santos, komisyoner ng G. at Bb. QCA.

     -Mille Jalandoni
HOME
 
BACK