 |
Ginto, Luntiang Laurel, Parangal Ngayon
Isang salu-salo at programa ang magaganap bilang pagbibigay-pugay sa mga Ginto at Luntiang Laurel ngayong araw, Agosto 28, simula 12:00 ng tanghali sa Alvendia Hall kasabay ng kaarawan ng “Ina ng QCA” na si Pres. Ezperanza P. Alvendia.
Ngunit bago magsimula ang programa, ay may misang magaganap sa bulwagang tipunan para kay Pres. Ezperanza P. Alvendia na pamumunuan ni Fr. Lanuza.
Ang mga Gintong Laurel ay mga alumni na nagtapos sa kolehiyo nang mgay matataas na parangal at mga nagkami ng pambansa o pandaigdigna pagkilala samantala ang mga Luntiang Laurel ay ang mga estudyanteng nasa unang taon ngayon na nakapasa sa Justice Carmelino G. Alvendia scholarship test, yung mga valedictorian at salutatorian sa kanilang elementarya at mga ikalawa, ikatlo at ikaapat na taon sa kasalukuyan.
Ang mga Gintong Laurel na paparangalan ay pinanngungunahan ni Cristina Gorospe (Klase ng 1984), Magna cum Laude, PUP. Siya ay nakasungkit din ng magna cum laude sa UST sa kanyang pagma-master ng Human Resource Management.
Ang iba pang pararangalan: Caroline Logatoc(2005) magna cum laude, Phil. School of Business Administration; Maria Adoracion Baetiong (class of 2005) magna cum laude, FEU. Kristine Mijares (2005), cum laude, FEU; Mitchelle Ann Romias (2005), cum laude, PUP; Hannah G. Gazzigan (2005), cum laude PUP; Ma. Bie D. Aguatis (2005), cum laude, FEU; Rinnah Desalte (2005) cum laude, UST. Angelbert Hernandez (2005), Academic Distinction Gold Awardee, MCU; Kevin Nico Jolongbayan (2005), Phil. Marketing Association Leadership Excellence award, MCU; Rae Esther Dumagpi (2005) Nightingale Gold Medal Awardee, MCU.
Ang palatuntunan ay pangungunahan ng DEPA sa pambungad na seremonya at sila rin ang magpipinid ng paggawad. Susundan ni Gng. Nelly M. Baidal para sa dasal kay Pres. Esperanza P. Alvendia. Ang paunang salita ay gagawin ni Pangulong Tomas C. Ongoco.
Sina Gng. Carmelita Ongoco at Gng. Julieta s. Dimaano ang magpapakilala sa mga Gintong Laurel habang sina Gng. Sylvia A. Rodriguez at Bb. Florentina C. Gonzales ang magbibigay ng tropeyo sa pagkilala sa mga Gintong Laurel.
Si Gng. Sylvia A. Rodriguez at Bb. Merlyn Eligio naman ang magbibigay ng sertipiko sa mga Luntiang Laurel kasama ng kani-kanilan mga magulang. Si Anne Patricia Lim, Luntiang Laurel, at si Cristina B. Gorospe, Gintong Laurel, ang magbibigay ng pasasalamat.
Si G. Carmelino P. Alvendia Jr. ay magbibigay naman ng pampasipang kolatas.
Gaganap na mga emcee ng sina Gng. Lerma Agbayani at G. Romeo Mangabat na mga Gintong Laurel din.
-Belinda del Rosario at Julius Basa |
HOME |
 |