Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang sa Buong Pilipinas


     “Wikang Filipino: mula Baler hanggang sa buong Pilipinas.” Ito ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon.

     Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, ngayon  sa pamamagitan ng mga programang inihahanda ng Kawanihan ng Filipino sa pamumuno ng direktor na si Theresa Dennise Fernandez at ni G. Joseph de Real, tagapayo.

     Ang mga seksyon na nagwagi sa paligsahan para sa madulang pagsasalaysay sa unang taon: unang pwesto, Bait; ikalawang pwesto, Giting; at  ikatlong pwesto, Agap 1. Para naman sa Ebolusyon ng Awiting Pilipino sa ikalawang taon, unang pwesto ay nakamit ng pangkat  Ageo; at ikalawang pwesto, pangkat  Daniel.     Para naman sa Musical Play (Kab. 7– Suyuan sa Asotea) sa ikatlong taon, unang pwesto, Barium; ikalawang pwesto, Mercury; at  ikatlong pwesto, Antimony. Para naman sa Novelty Song (Paglipat sa Ibang Dayalekto) na pinaglabanan ng mga nasa ikaapat na taon ay nakamit ng pangkat Escoda, unang pwesto; Calderon ikalawang pwesto; at Benitez sa   ikatlong pwesto.

      “Ang Kawanihan ng Pag-aaral sa Filipino ay naniniwala na ang mga mag-aaral ng Akademya ng Lungsod Quezon ay tunay na magagaling sa pag-awit ng wikang Filipino,” pahayag ni Fernandez.

          - Myro Jan Morada
HOME
 
BACK