Unang sesyong pangmagulang idaraos

    Sa darating na Agosto 31, idaraos sa bulwagang palapagan ang unang sesyon ng pagmamagulang para sa taong paaralan. Ang sesyon ay dadaluhan ng mga magulang na tatalakay ng mga suliraning pangmagulang sa gagawing pulong.

   Gagawaran din ng pagkilala ang tig - sampung mag-aaral bawat taon, kasama ang kani-kanilang magulang sa isang bahagi ng sesyon.

    Isa sa maaring matalakay sa pampaaralang kalagayan ay ang kapayapaan at katahimikan sa daang Nueva Ecija na may outpost  ng Barangay Ramon Magsaysay.

     Nananawagan si Gng. Vivien Riano, punongguro, ng malawakang pakikiisa ng mga magulang sa edukasyon ng mga mag - aaral. “Hindi kaya ng mga paaralan lamang ang edukasyon ng kabataan ngayon. Kailangan ang tulong ng mga magulang”, anya niya.

    Ayon kay Bb. Merlyn M. Eligio, tagapag-ugnay ng unang taon,pagpipilitan ng tangggapan ng prinsipal ang pagpapatawag ng mga magulang upang makausap tungkol sa mga paglabag ng mga estudyante sa mga tuntunin ng paaralan na magastos at maabala para sa mga magulang. “Ito sana ay maiwasan natin,” ani Bb. Eligio na kinatigan ng mga kasamang tagapag - ugnay.

-Adrian M. Vasquez


HOME
BACK
\