Seksyon PTA itinatag

   Ang Parent Teachers’ Association (Samahan ng mga Guro at Magulang) ay itinatatag ng bawat seksyon upang higit na makasubaybay sa magandang pagtuturo sa Quezon City Academy.

     Ngayong Agosto 30, ito ay magkakaoon ng kaganapan. Magkakaroon ng halalan ng mga opisyal at talakayan sa mga problema ng pamayanang seksyon (HRO).
Ipakikilala sa mga magulang ang mga kapuri-puring mag-aaral sa pamayanang seksyon. Tatalakayin ang mga problema at sisikaping bigyan ito ng solusyon. Doon din sa tulong ng PTA ipamamahagi ang mga kard ng batang ang magulang ay dumalo.

     Maraming magulang ang mangagkikilala o higit na bubuti ang pagsasamahan. Ang mga pulong ng PTA ay idaraos sa mga silid-pamayanan ng seksyon habang ang iba ay sa roof deck na magpupulong.

     Ang may mga opisyal nang halal sa PTA ay maari nang magpulong ano mang araw, ayon kay Gng. Vivien R. Riano, prinsipal ng QCA.

-Blessy Ding Pontillas

              
HOME
BACK
\